ANG BUHAY NG LUMANG PANAHON

27 10 2008

Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa paaralan;
Walang mga bakod at gate ang magkakapit-bahay, kung meron, gumamela lang;
10 sentimos o diyes lang ang baon: singko sa umaga, singko sa hapon;
Merong free ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo.
Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay Maestro/a:
di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mo kakilala.
Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic, o kaya sa tumana;
Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal’s office o kaya malaking kahihiyan kapag bagsak ka sa exams;
Simple lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang mga anak…
Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala; wala namang lock ang mga jeep na Willy’s noon.
Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili: trak-trakan (gawa sa rosebowl ang katawan at darigold na maliit ang mga gulong, ’sketeng’ (scooter) na bearing na maingay ang mga gulong at de-sinkong pako para sa preno; patining na pinitpit na tansan lang na may 2 butas sa gitna para suotan ng sinulid (pwede pang makipag-lagutan) ; sumpak, pilatok, boca-boca, borador, atbp.
Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata: kasi laro nga iyon.
Maraming usong laro at maraming kasali: laste, gagamba, turumpo, tatsing ng lata, pera namin ay kaha ng Philip Morris, Malboro, Champion (kahon-kahon yon!)
May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli tutubi, nandadakma ka ng palakang tetot, pero ingat ka sa palakang saging dahil sa kulugo;
Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas - suot mo pa rin;
Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mo kasi nakasalampak ka sa lupa.
Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology.. . di ba minsan nangarap ka na rin… mas masaya noong araw!
Sana pwedeng maibalik…
Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay, nakikidnap, maraming addict at masasamang loob…
Noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga lolo at lola. Pero ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kayat ayaw tayong mapahamak o mapariwara.. . Na una silang nasasaktan pag pinapalo nila tayo…
Balik tayo sa nakaraan kahit saglit…
Bago magkaroon ng internet, computer, at cellphone.
Noong wala pang mga drugs at malls.
Bago pa nauso ang counter strike at mga game boys.
Tayo noon… Doon …
Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapag maliwanag ang buwan;
Ang pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan ng mga daliri pag nanonood ka ng nakakatakot sa
‘Mga Aninong Gumagalaw’
Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na
kabisado natin, kasi wala namang calculator.
Pag-akyat natin sa mga puno; pagkakabit ng kulambo, lundagan sa kama ;
Pagtikwas o pagtitimba sa poso; pingga ang pang-igib ng lalake at may dikin naman ang ulo ng babae;
Inaasbaran ng mga suberbiyo;
Nginig na tayo pag lumabas na ang yantok-mindoro o buntot-page.
Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton
sa pwet para hindi masakit ang tsinelas o sinturon?
Pamimili ng bato sa bigas; tinda-tindahan na puro dahon naman; bahay-bahayan na puro kahon; naglako ka ba ng ice-candy o pandesal noong araw?
Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga; pagtawa hanggang sumakit ang tiyan;
Meron pa bang himbabao, kulitis at pongapong? O kaya ang lukaok, susuwi at espada?
Susmaryosep ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata…
Estigo santo kapag nagmamano.
Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo; matakot sa ‘berdugo’ at sa ‘kapre’;
Tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale ni itay kasi may tinola!
Yung crush mo?
Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay -alembong, taeng-kabayo o biscocho?
Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang libreng singsing) o kaya nougat o karamel;
Kung gusto mo naman - pakumbo o kaya kariba,
mas masaya kung inuyat;
Puriko ang mantika, at mauling na ang mukha at ubos
na ang hininga mo sa ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy.
Madami pa…
Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas
sa pagitan ng daliri para sa sawsawan; ang palutong pag isawsaw sa sukang may siling labuyo; ang duhat kapag inalog sa asin; ang isa-sang isubo ang daliri kasi puno na ng kanin…
Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog;
Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli ka; o naghahanap ka ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan.
Lipstick mo ay papel de hapon;
Labaha ang gamit para sa white-side-wall na gupit;
Naglululon ka ng banig pagkagising; matigas na amirol ang mga punda at kumot; madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon, di ba? Pwede rin sa laylayan…
May mga program kapag Lunes sa paaralan;
May pakiling kang dala kung Biyernes kasi magi-isis ka ng desk.
Di ba masaya? Naalala mo pa ba?
Wala nang sasaya at gaganda pa sa panahon na yon…
Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang ina-alaala iyon…
Di ba noon…
Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na ’sino ba sa dalawang ito?
Ito ba o ito?’ Pag ayaw ang resulta di ulitin: ’sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?’…
Awit muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen. How how the carabao batuten…
Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman;
Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti;
Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa;
Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka; kapag buro ka sa pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen.
Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero sila ang tinatawag natin pag napapa-trouble tayo.
Di natutulog si Inay, nagbabantay pag may trangkaso tayo; meron tayong skyflakes at Royal sa tabi at pahihigupin ng mainit na Royco.
Kung naaalaala mo ito… nabuhay ka na sa
KAPAYAPAAN!
Pustahan tayo nakangiti ka pa rin!
 
Kung naka-relate ka sa lahat ng nabanggit sa itaas, ibig sabihin lang niyan ay………. …
MATANDA ka na! he he he… pero kung hindi ka maka-relate, padala mo na lang sa akala mo ay kapanahunan nya ito para maalala din niya at mangiti rin siya



Joke Joke Joke!!!!!!!

4 07 2007

Tawa Muna Tayo!, He, He, He, he

Street Vendor : "bili na kayo ng relo! gold watch ito!
pag namuti, white gold!
pag huminto stopwatch!"

gf : hu hu hu hu bakit natin ginawa ito? hindi na ako
virgin at dalawang beses pa natin ginawa!
bf : ano? isa lang ah?!
gf : bakit, hindi na ba natin uulitin mamaya?!

Couple talking:
wife : hon, paki fix naman ilaw sa labas.
husband : hello!? electrician ba ako?
wife : eh di pkigawa na lang hagdan natin.
husband : hello!? karpintero ba ako?
umalis c husband, pagbalik gawa na lahat ng sira sa
bahay. tinanong niya wife kung sino gumawa ng trabaho.
wife : kasi kanina a man saw me crying, sabi ko dami
sira dito sa bahay. so he offered to help in exhange of either sex or
bake
ako ng cake.
husband : so pnag-bake mo siya ng cake?
wife : hello?! baker ba ako?!

ANG MARRIED LIFE….
May isang intsik na sa sobrang hilig sa karaoke ay
inabot ng 5 am.
Dahil sa takot mabugbog ni misis, nag-text ng:
"HUWAG KA BAYAD RANSOM. NAKATAKAS AKO. UWI NA KO!"

Husband: "Paratina lang tayo away! Maghiwalay na lang tayo!"
Wife: "Sige, maghati tayo ng mga anak!"
Husband: "Akin ang mga guwapo at maganda!"
Wife: "Sus! Pinili pa yung hindi kanya!"

Sa harap ng nursery window;
Friend: Pare, pag laki ng anak mo, am sure magaling mag-drive
Dad: Bakit, pare, malaki ba ang kamay?
Friend: Hindi. Kasi kamukha siya ng driver ninyo!

Husband came home from church, suddenly lifted his wife
and carried her.
Wife: Why? Did the Pastor tell you to be romantic like this?
Husband: No! He told me to carry my cross!

Friend: "Wow, pare, ganda ng sapatos mo, ah!"
Husband: "Oo. Surprise gift ng kumare mo!"
Friend: "Surprise? Ano occassion?"
Husband: "Wala. Nakita ko na lang sa ilalim ng kama namin kagabi!"

Health Advisory: "Beer contains female hormones, and can
turn men into women.
After 5 pints…. men become talkative, unreasonable,
irritable, cry for nothing, and urinate while sitting!"

WIFE: I’m warning you! Parating na husband ko in 1 hour!
HANDSOME VISITOR: Wala naman akong ginawang masama ah?
WIFE: kaya nga! kung may balak ka, GAWIN MONA!!!

WIFE: Himala! aga mong umuwi ngayon.
HUSBAND: Sunod ko lang utos ng boss ko. Sabi nya "GO TO
HELL", kaya ito uwi agad ako..

Wife: Lab, may taning na ang buhay ko. Huling gabi ko na
to, let’s make love.
Husband: Heh! tumigil ka nga. Maaga pa akong gigising
bukas, buti ikaw, hindi na.

HEHEHHE!

Population policies of countries:
China : Stop at 1 child.
Singapore : Stop at 2 children
Phil: STOP AT 4 A.M.!

RUSSIAN: we’re 1st in space
USA : we’re 1st in the moon
ERAP: we’ll be the 1st in the sun
USA : you can’t go there, you’ll burn
ERAP: we’re not stupid, we’ll go there at NIGHT!

Ano kadalasan ang sinasabi kapag nautot?
American: Excuse me.
British: Pardon me.
Pinoy: NOT ME!

"SUMPA"
Hindi na makakatikim ng napakasarap na ‘Sex’ ang huling
bumasa nito!
Ayos safe na ako…papayag ka bang IKAW ang huling
babasa nito?
hehehe!!!

babesbuce@yahoo.com